Halos wala nang bakanteng parte ng kama ni Leah sa dami ng damit na nakapatong. Nandoon ang tatlong outfit na kanina pa niya pinagpapalit-palit.
Suot. Tingin sa salamin. Palit na naman.
Bukas na ang “This Is Me” showcase sa school. May kakanta, may magpapakita ng art, at may magkuwento tungkol sa isang bagay na importante sa kanila.
Ang kay Leah ay tungkol kay Nanay Cora, ang lola niya. Si Nanay Cora ang nagturo sa kaniya na manahi.
Ang photos para sa presentation? Tapos na.
Ang slides? Tapos na rin.
Ang damit? Ayun ang problema.
“Ano ba talaga ang isusuot ko?” sabi ni Leah.
May tatlo siyang pinagpipilian.
Outfit A: itim na kamiseta, dark gray na palda-shorts, at sneakers.
Outfit B: kulay rosas na cardigan, puting kamiseta, maluwag na cargo pants, at maliit na shoulder bag.
Outfit C: puting kamiseta, maluwag na maong, sneakers, at denim jacket na may mga patch.
Hindi ordinaryong jacket ang Outfit C. Ang mga patch nito ay ginawa nila ni Nanay Cora.

Tingnang mabuti ang A, B, at C bago basahin ang group chat.
Sa huli, ginawa niya ang ginagawa niya kapag hindi na talaga makapagdesisyon: kinuhanan niya ng mirror photo ang tatlo at ipinasa ang problema sa group chat.
Gets naman ni Leah ang paliwanag ni Mika. Pero siyempre, ang naiwan sa utak niya ay iyong unang message: Sobrang… ikaw. Mabuti ba iyon? Ibig bang sabihin, creative? O parang, “Ay, Leah na Leah—hindi masyadong pang-event”?
Ano ang isusuot ko? = What should I wear?
Nakasuot siya ng + damit. = She/he is wearing + clothing.
